Makalipas ang tatlong taon.

images (4)

Blanko. Walang laman o sadyang nawala na sa sirkulasyon. Nagbago ng landas na tinahak. Napag-iwanan. Inaagiw na malamang ang isipan. Inaalikabok na ang hangaring tumipa. Ilang taon na rin ang lumipas ng huling makisalamuha. Napabayaan ang tahanang nagkanlong sa mga munting kwento ng buhay. Iba na ang may-ari ng datkom. Nakakalungkot.

Nais ko sanang muling maging bahagi ng blogosperyo. Humabi ng mga kwento. Babalik. Magsusulat. Dito kung saan nagsimula (na may makilala at makilala) o sa panibago na namang tahanan. Hindi ko pa alam. Gusto kong bawiin ang datkom. Nag-expire na pala nung nakaraang Marso. Hay. Paano ba? Ewan.

Sabi ko nuon, hindi ako mawawala at patuloy na magsusulat. Naalala ko pa yung sagot ko sa mga tanong nuon sa featured blogger ni Bino ng Damuhan (Teka, bakit intsik naman nakikita ko dun? Wala na rin ba?)… eh kaso yun na nga, nawala din naman ako ng gana. Ewan.

Kapag nabuhay ang sigla, dumaloy ang ideya, kusang tumipa ang isipan… babalik din ako. Sa ngayon, ganuon na lang muna.

(Sayang talaga! Nakakaasar, yung dahnjacob.com ko nai-register na ng iba. Nawala din tuloy yung titikninuno.dahnjacob.com ko. Tapos may tatlo pa akong domain na binili… at sa luob ng 3 taon, wala naman akong naisulat.) Grrrr.

Last na, nakakapanibago naman ang dashboard. Naliligaw ako. Naka-private pala lahat ng post ko dito. Hmp.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s